Ayon kay. Sen. Jaworski, hindi uubra ang short cut formula na nais isulong ng DFA dahil ito ay labag sa ating Konstitusyon dahil ang lahat ng treaty ay dapat sumailalim sa ratipikasyon ng Senado.
Pinayuhan din ni Jaworski si DFA Sec. Blas Ople na magpadala ito ng diplomatic note sa kanyang counterpart na dapat munang isailalim sa ratipikasyon ng Senado ang RP-US ATA bago ito ganap na maipatupad ng pamahalaan.
Binatikos din ng Philippine Airline Employees Association ang anumang compromise agreement na mabubuo sa pagitan ng Senado at Malacañang kaugnay sa open skies policy.
Winika pa ng mga manggagawa sa aviation industry, walang katotohanan ang ipinagyayabang ni US Ambassador Francis Ricciardone na makikinabang ang Filipino sa nasabing kasunduan dahil pabor lamang ito sa mga US carriers. (Ulat ni Rudy Andal)