Senado kikilos sa RP-US air treaty
November 11, 2003 | 12:00am
Igigiit ni Senate President Franklin Drilon sa Malacañang na dapat talakayin sa susunod na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang kontrobesiyal na 1982 RP-US Air Transport Agreement o Open Skies Policy kung saan ay dapat sumailalim ito sa ratipikasyon ng Senado bilang isang treaty.
Sinabi ni Sen. Drilon, nakikiisa siya sa paninindigan nina Sen. Manuel Villar Jr., Sen. Ralph Recto, Sen. Serge Osmeña III at Sen. Robert Jaworski na dapat dumaan ang naturang air agreement sa ratipikasyon ng Senado dahil isa itong treaty alinsunod sa nakasaad sa ating 1987 Constitution na lahat ng treaty na papasukin ng gobyerno ay dapat sumailalim sa ratipikasyon ng Senado.
Hindi naniniwala ang mga senador na isa lamang executive agreement ang 1982 RP-US ATA bagkus ay isa itong treaty.
Ayon sa mga senador, kung ang mga friendship agreements sa ibang bansa ay isinasaalang natin sa ratipikasyon ng Senado higit na kailangan ang ganitong tratado kung saan ay apektado ang ating local aviation industry. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended