Ito ay kaugnay ng panawagan ni Tatad na dapat ay mag-resign na ang Pangulo gayundin ang lahat ng mahistrado ng Korte Suprema at sa halip ay magtatag ng isang pansamantalang gobyerno hanggang sa pagdadaos ng 2004 presidential elections.
Sa kabila nito, minabuti ng Palasyo na manahimik sa panawagang magbitiw kaugnay ng paninisi sa Pangulo sa patuloy na paglala ng problema ng bansa kabilang ang away ng Kongreso at Korte Suprema.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo na hindi obligasyon ng Palasyo na magbigay ng komentaryo sa lahat ng usapin. (Ulat ni Ely Saludar)