Inihayag kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco na nasa California ngayon ang naturang ulat sa pamamagitan ng isang teleconferencing.
Sinabi ni Wycoco na nakatakdang magpalabas ng ruling anumang araw ngayon ang Alameda Superior Country Court ukol sa kasong isinampa ni Blanquita Pelaez laban kay Lacson.
Nabatid na nagsagawa ng isang bidding ang PNP noon kung saan nanalo dito si Pelaez na naka-base sa California. Sa Estados Unidos pa iniimport ni Pelaez ang naturang mga posas kaya dito nito isinampa ang naturang kaso.
Hindi naman umano siya binayaran ni Lacson at sa halip ay ginawan pa siya ng isang umanoy pamba-blackmail.
Itoy nang utusan umano siya ni Lacson na gumawa ng kuwento sa ilang mataas na opisyal noon ng PNP para mapatanggal ito sa kanilang puwesto at maiupo ang kanyang mga bataan na kanyang hindi ginawa.
Dahil dito, hindi na umano siya tuluyang binayaran ni Lacson sa naunang kontrata.
Inaalam pa ng korte ang kabuuang halaga na babayaran ng senador sa pagpapalabas ng kautusan kung saan dadaanin na lamang sa pag-iilit sa mga bank accounts at mga ari-arian nito ang pagbabayad. (Ulat ni Danilo Garcia)