^

Bansa

Special award sa mga pulis sa matagumpay na Bush visit

-
Tuluyang matitikman na ng mga pulis-Maynila ang kanilang inaasam na promosyon na matagal nang nakabimbin bilang isa sa regalo sa kanila ni PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane dahil sa matagumpay na pagbibigay ng seguridad sa pagbisita ni US President George W. Bush noong Oktubre 18.

Bukod dito, sinabi ni Ebdane sa kanyang pagdalaw kahapon sa WPD-Headquarters na bibigyan niya ng ‘Special Award’ ang may 3,500 na pulis-Maynila na pangunahing nagbigay ng seguridad sa pinakamakapangyarihang lider ng isang bansa sa buong mundo.

Binati nito ang mga pulis dahil sa walang kaguluhang naganap na lalong maaaring sumira sa imahe ng bansa at pagkakaroon ng mababang antas ng "street crime" ng naturang araw.

Dagdag pa rito na nakontrol umano nang lubusan ng mga pulis ang libu-libong militanteng grupo na nakuntento na lamang na magsagawa ng kanilang demonstrasyon sa Mendiola matapos na mabigo na makalapit kay Bush. Hindi naman nagkaroon ng karahasan sa pagitan ng dalawang magkabilang panig.

Kasama rin dito ang epektibong kordon na inilatag sa Roxas Blvd. at sa kapaligiran ng Rizal Park na unang dinalaw ni Bush.

Bibigyan din ni Ebdane ng katugunan ang matagal nang hinaing ng mga pulis sa mabagal na proseso ng kanilang promosyon dahil sa partisipasyon nila sa depensa sa naganap na Malacañang seige noong Mayo 1, 2000. (Ulat ni Danilo Garcia)

BIBIGYAN

BINATI

CHIEF DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

DANILO GARCIA

EBDANE

MAYNILA

PRESIDENT GEORGE W

RIZAL PARK

ROXAS BLVD

SPECIAL AWARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with