^

Bansa

Kaso ni Al-Ghozi ibabasura

-
Ililibing na rin sa hukay ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal na kinasasangkutan ng napatay na Indonesian terrorist na si Fathur Rohman Al-Ghozi.

Isang resolusyon ang nakatakdang ipalabas ng DOJ na tuluyang nagbabasura sa kasong frustrated murder laban kay Al-Ghozi bunga ng pagkakasangkot nito sa pambobomba sa bahay ni Philippine Ambassador to Indonesia Leonides Caday.

Nagdesisyon ang DOJ na idismis na ang kaso laban kay Al-Ghozi dahil itinuturing na itong ‘moot and academic’ dahil patay na ang taong kanilang uusigin.

Nilinaw ng DOJ na nakasaad sa Revised Penal Code na ang pagkamatay ng isang akusado ay nangangahulugan lamang ng pagbasura rin ng demanda laban sa kanya.

Magugunita na binomba ang Embahada ng Pilipinas sa Indonesia noong Agosto 1,2000 na muntik na itong ikamatay ng nasabing envoy makaraang pasabugin ang isang Suzuki van malapit lamang sa bahay nito.

Kasama rin sa mga nasugatan ang driver na si Ebenheizer Willem Wonua na noo’y kasama ni Caday sa loob ng kanyang sasakyan. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AGOSTO

AL-GHOZI

CADAY

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

EBENHEIZER WILLEM WONUA

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

INDONESIA LEONIDES CADAY

PHILIPPINE AMBASSADOR

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with