^

Bansa

DOJ binalaan ng Supreme Court sa drug cases

-
Binalaan kahapon ng Supreme Court (SC) ang Department of Justice (DOJ) bunga ng reklamo ng mga judges laban sa mga prosecutors na nagpapabaya sa pagtutok sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.

Ito naman ang naging dahilan upang agarang pakilusin ng DOJ ang lahat ng mga piskal at abogado sa ilalim ng naturang ahensya upang madaliin ang paghatol sa lahat ng mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.

Batay sa liham ni Deputy Court Administrator Christopher Lock ng SC kay Justice Secretary Simeon Datumanong noong Hulyo 22, 2003, tinawag ng SC ang pansin ng DOJ dahil pangkaraniwang reklamo na kanilang mga huwes ang kawalan ng piskal ng DOJ na tututok sa mga drug cases sa kanilang sala.

Iginiit ni Lock na dapat lamang kumilos ang DOJ bunga ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga ipinagbabawal na gamot. Tiniyak din ni Lock na nagtalaga na sila ng mga Special Courts na siyang bubusisi sa naturang mga kaso.

Sinabi ni Lock na mawawalan ng silbi ang kanilang mga paghihirap kung mismong ang DOJ ay ipagwawalambahala ang kampanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo laban sa droga.

Nagpalabas naman ng Department Order 391 si Datumanong kung saan ay inaatasan nito ang mga regional, provincial, city at state prosecutors na bigyan ng prayoridad ang mga drug cases sa bansa.

Inatasan din ni Datumanong si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta upang pakilusin din ang kanyang mga abogado hinggil sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Binigyang-diin pa ng Justice Chief na dapat bigyan ng higit na oras ang mga drug cases upang tuluyang sugpuin ang paglaganap nito sa komunidad.

Ikinabahala umano ng SC ang pagkakabasura ng mga drug cases dahil na rin sa kapabayaan ng piskalya sa pagganap ng kanilang tungkulin. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CHIEF ATTY

DATUMANONG

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT ORDER

DEPUTY COURT ADMINISTRATOR CHRISTOPHER LOCK

JUSTICE CHIEF

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PERSIDA RUEDA-ACOSTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with