^

Bansa

AFP at PNP magkaiba ng bersiyon kay Al-Ghozi

-
Higit pang lumalim ang misteryo kung napaslang nga ba o ni-rubout si Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi dahil maging mga operatiba ng pulisya at militar na nagsagawa ng operasyon sa Pigkawayan, North Cotabato noong Linggo ng gabi ay magkasalungat ang bersiyon.

Sa report ng militar, may hawak umanong granada si Al-Ghozi na tinangka nitong ihagis sa umaaresto ritong tropa ng pamahalaan kaya napilitan silang barilin ito na taliwas naman sa iniulat ng Police Anti-Crime Response (PACER) na nakipagbarilan sa kanila ang Indon bomber gamit ang nakumpiskang .45 caliber pistol.

Ayon sa militar, may tatlong kasamahan si Al-Ghozi ng maharang ito ng pinagsanib na puwersa ng PACER at Army’s 6th Infantry Division.

Nakatanggap ng intelligence report ang mga operatiba ng pamahalaan na si Al-Ghozi ay patungong Gen. Santos City na magdaraan sa Cotabato-Davao City highway kung saan ay lululan umano ito sa isang kulay asul na multicab na i-eskortan ng isang motorsiklo. Hinabol umano ng tropa ng pamahalaan ang grupo ni Al-Ghozi subalit hinarangan ang mga ito ng isang tricycle na nakasagabal sa kanilang pursuit operations sa loob ng ilang minuto.

Samantala, ang bangkay ni Al-Ghozi ay nakatakdang ibiyahe patungong Indonesia ngayong alas-8 ng umaga. (Ulat ni Joy Cantos)

AL-GHOZI

AYON

COTABATO-DAVAO CITY

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

GHOZI

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

NORTH COTABATO

POLICE ANTI-CRIME RESPONSE

SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with