Ang Z Backscatter Van (ZBV) na eksklusibong ipinamamahagi ng A.T. Intergrouppe Inc. ay matatagpuan sa Sun Valley service road, Parañaque City.
Ayon kay Albert Tan, presidente ng A.T. Intergrouppe Inc. at representative ng American Science and Engineering Inc. (AS & E), kayang makunan ng litrato ang laman ng isang container van sa pamamagitan ng photo-like imaging nito.
Magagamit ng gobyerno at pulisya ang ZBV na ito sa kanilang pakikibaka laban sa terorismo at kriminalidad tulad ng pagsasagawa ng checkpoints kung saan ay hindi na kailangang siyasatin pa ang nilalaman ng isang behikulo dahil kayang malaman ng ZBV gamit ang kanilang modernong teknolohiya kung mayroon itong illegal drugs o sakay ng mga explosives.
Aniya, ang ZBV ay dadaanan lamang ang isang sasakyan na kahina-hinala ang karga at agad na nitong malalaman ang laman ng van o sasakyang ito gamit ang kanilang high-speed X-ray inspection tool.
Maging ang mga radioactivity tulad ng gamma rays at neutrons na gamit sa paglikha ng bomba ay kayang mabatid nito sa pamamagitan ng AS & E radioactive threat detection (RTD) technology.
"The ZBV will present an image of bulk organic material located behind 6mm of steel when scanned from a distance of 1.5 meters and the system will provide visible differentiation between organic and inorganic materials and it could observe the contents of an automobile trunks and bulk contraband concealed under steel body of vehicles and also capable of providing useful images at distance up to 4.5 meters," wika pa ni Tan. (Ulat ni Rudy Andal)