Ang Task Force for the Security of Critical Infrastructures sa ilalim ng Cabinet Oversight Committee for Internal Security ay pamumunuan ni Deputy Presidential Adviser for Special Concerns Undersecretary Abraham Purugganan.
Partikular na bibigyang proteksiyon ng task force ang mga pasilidad ng cyber-based systems na importante sa operasyong pangkabuhayan ng bansa; mga planta ng kuryente, power transmission at distribution facilities, imbakan ng langis, mga tulay, govt at private establishments at mga pasilidad na sentro ng kalakalan at pananalapi ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na ang pamahalaan ay tahimik na gumagawa ng pagbabantay kontra terorista na lumilibot sa rehiyon.
Gayunman, pinawi ng Pangulo ang pangamba ng mamamayan sa mga sinasabing pagsalakay ng terorista dahil pinatalas at pinalawak na ang pakikipagtulungan ng bansa sa mga ASEAN nations para pigilin ang mga ito na kumilos sa hangganan ng Pilipinas at mga kalapit na bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)