Clearance muna sa NBI bago promotion
October 11, 2003 | 12:00am
Tila wala ng pag-asang makabangon pa ang imahe ng kapulisan dahil kahit na sa munting pagkilala ng kanilang kabayanihan ay kailangan pang idaan sa butas ng karayom.
Ganito ang siyang lumilitaw ngayon alinsunod sa bagong kautusan ng Nationall Police Commission (NAPOLCOM) na kailangan pang kumuha ng clearance sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sinumang kandidato sa promosyon, maging ito man ay bunga ng biglaang kabayanihan o kalidad ng serbisyo.
Sinuman na naghahangad ng promosyon ay kailangang magsumite ng kanilang personal data sheet, service record, transcripts and attestation of appointment ng Directorate for Personnel and Records Management sa Camp Crame. Ngayon ay nadagdag na rito ang NBI clearance na nagkakahalaga ng P115.
Sinabi ni SPO2 Virgo Villareal, vice president ng Manilas Finest Brotherhood Association, Inc. (MFBAI) na hindi na dapat pang dumaan sa napakaraming rekisitos ang sinumang binigyan ng meritorious promotion tulad din ng special promotion.
Pero kinontra ito ni Col. George Gaddi ng WPD na nagsabing kailangan ang NBI clearance para matiyak kung walang criminal records ang bibigyan ng promosyon dahil kung mapapatunayan ay mababalewala ang nasabing promosyon.
Iba naman ang naging pananaw dito ni SP02 Rolly Bañez na nangatwiran na dapat ay magkaroon ng exemption sa bagong pinaiiral na karagdagang requirements sa promotion ng mga kapulisan.
Binanggit ni Bañez na dahil ang esensya ng serbisyo ng isang pulis ay para sa pagbibigay seguridad sa publiko ay makatwirang 24-oras na nakataya din ang kanilang buhay sa panganib.
Kapag ang isang pulis aniya ay nadidisgrasya o nasasawi ay saka lamang ibinibigay ang full meritorious promotion. Gayundin ang dapat na igawad sa mga nagtanggol sa buhay ng isang sibilyan na suwerteng nabuhay.
"Hindi dapat na magkaroon ng diskriminasyon sa pagbibigay ng promosyon sa dalawang nagpakabayaning pulis na ang isa ay nasawi at ang isa ay nabuhay, dahil parehong buhay ang itinataya dito," giit pa ni Bañez. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest