^

Bansa

Problema sa GSIS pag-uusapan na lang

-
Nanawagan kahapon ang Philippine Government Employees Association (PGEA) na bigyan ng pagkakataon at suportahan ng mga empleyado ng gobyerno ang ginagawang reporma ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ginawa ni Esperanza Ocampo, pangulo ng PGEA na binubuo ng 112 gov’t unions, ang panawagan makaraang ituloy pa rin kahapon ng Courage ang kilos protesta para patalsikin sa puwesto si GSIS president Winston Garcia.

Ayon kay Ocampo, ang pagpapatalsik sa puwesto kay Garcia ay hindi makakaresolba sa kinakaharap na problema ng mga empleyado ng gobyerno.

Umapela ang PGEA sa mga lider at miyembro ng Courage na sa halip magsagawa ng rally ay makipag-usap ang mga ito upang sama-sama nilang hanapan ng solusyon ang kasalukuyang problema sa mabagal na pagproseso ng loans sa GSIS. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

ESPERANZA OCAMPO

GARCIA

GINAWA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

NANAWAGAN

OCAMPO

PHILIPPINE GOVERNMENT EMPLOYEES ASSOCIATION

RUDY ANDAL

WINSTON GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with