Mikey makikipagtulungan sa Ombudsman probe sa Kabayo isyu
October 7, 2003 | 12:00am
Nangako ng todong suporta si Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo sa isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay sa umanoy pagkakasangkot nito sa pag-aangkat ng mga mamahaling kabayo mula sa Australia.
Sa isang pahayag, hinikayat din ni Arroyo ang Philippine Sports Commission (PSC) at si Lamberto Almeda Jr., ang negosyanteng pinayagan ng PSC na mag-angkat ng mga kabayo, na makipagtulungan sa isasagawang pagsisiyasat.
Ayon sa Bise Gobernador, siya na mismo ang unang humiling sa mga kinauukulang tanggapan na gumawa ng imbestigasyon, isang araw matapos na lumabas ang balita.
Muling pinagdiinan ni Arroyo na hindi siya nakisawsaw sa pinirmahang Memorandum of Agreement (MOU) sa pagitan ng PSC at ni Almeda kaugnay sa pag-aangkat ng mga kabayo.
Umaasa rin ito na malilinis ang kanyang pangalan dahil na rin sa naunang pahayag ni PSC chairman Eric Buhain na walang kinalaman si Arroyo sa anumang transaksiyong naganap kaugnay sa nasabing isyu.
Batay sa pahayag ni Buhain, pumasok sa isang kasunduan ang kanilang tanggapan kay Almeda noong Mayo 2003 upang mag-angkat ng mga kabayo mula sa Australia sa kondisyong si Almeda ang sasagot ng lahat ng gastusin subalit nakapangalan ang mga kabayo sa PSC.
Sinabi pa ni Buhain na walang iregularidad sa ginawang pag-angkat ng kabayo ni Almeda dahil binayaran ng negosyante ang lahat ng buwis para dito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am