^

Bansa

GMA nadulas, bagsak sa Quezon

-
Panibagong senyales kung tatakbo ba o hindi sa 2004 elections ang umano’y ipinaramdam kay Pangulong Arroyo makaraang madulas at bumagsak ang Presidente kahapon nang umakyat sa isang pick-up na nagsilbing entablado sa kanyang pakikipagdayalogo sa mamamayan sa Unisan, Quezon.

Bagaman paupong bumagsak ang Pangulo, hindi naman ito masyadong nasaktan at mabilis na nakatayo sa tulong ng kanyang mga aide.

Kumaway pa ang Pangulo sa mga tao sa kabila ng naganap na insidente, patunay na hindi niya iniinda ang mumunting mga aksidente na kaakibat ng kanyang pagtupad sa tungkulin lalo na sa pagpapaabot ng serbisyo sa mamamayan.

Pero ayon sa ilang mapanuring sektor, ang nangyari sa Pangulo ay ikalawang babala na hindi na ito dapat tumakbo sa darating na presidential elections sa 2004.

Una ay ang pagkakaroon ng kauna-unahang malawakang blackout sa Italy habang nagko-courtesy call ang Pangulo kay Pope John Paul II.

Ang pagbisita ng Pangulo sa Vatican at pakikipagkita sa Santo Papa ang ipinalalagay ng marami na paghingi ng Pangulo ng gabay kung dapat niyang baguhin o hindi ang deklarasyon niya na hindi na siya tatakbo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

BAGAMAN

KUMAWAY

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANIBAGONG

PERO

POPE JOHN PAUL

SANTO PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with