^

Bansa

Mercantile Law exam,hindi na uulitin

-
Wala nang magaganap na re-examination sa Oktubre 4 sa Mercantile Law subject bunsod ng napaulat na dayaan matapos pagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan na kanselahin ito at ipasa ang lahat ng mga magsusulit sa nasabing subject.

Sa apat na pahinang resolusyong inilabas ng SC, ikakalat na lamang sa nalalabing pitong subjects na nakapaloob sa Bar Examinations ang 15 percent grade na makukuha sana sa Mercentile Law ng mga 2003 Bar examinees.

Ito’y matapos magsagawa ng emergency session ang en banc ng SC kahapon upang pag-usapan ang inihaing kahilingan ng Philippne Association of Law School (PALS).

Alinsunod sa isinumiteng kahilingan ng PALS sa pangunguna ni Arellano Law Dean Romulo Borja, hindi umano dapat magdusa ang mahigit sa 5,000 examinees dahil lamang sa kumalat na leakage kung saan ay kakaunti lamang umano ang nakinabang.

Sinabi rin nito na marami sa mga bar-takers ang nanggaling pa sa malalayong probinsiya dahil ubos na umano ang mga pondo ng mga ito para manatili pa sa Metro Manila upang kumuha ng bar.

Gayundin, masyado na rin umanong pagal ang isip ng mga estudyante dahil sa apat na linggong bar exams kaya hindi na umano kakayanin pa ng mga ito na ulitin ang pagsusulit sa nasabing asignatura.

Magugunitang iniutos ng Korte Suprema sa pangunguna ng Office of the Bar Confident ang re-examination sa bar dahil sa pagkalat ng leakage.

Ang mga asignatura na paghahatian ng 15% ng Mercantile law ay ang mga asignaturang Political and International Law, Labor and Social Legislation, Civil Law, Taxation, Criminal Law, Remedial Law at Legal Ethics and Practical Exercise. (Ulat ni Ludy Bermudo)

ARELLANO LAW DEAN ROMULO BORJA

BAR

BAR EXAMINATIONS

CIVIL LAW

CRIMINAL LAW

KORTE SUPREMA

LABOR AND SOCIAL LEGISLATION

LAW

LEGAL ETHICS AND PRACTICAL EXERCISE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with