^

Bansa

Patutsada tigilan na; ebidensiya ilabas

-
Hinimok ng kampo ni First Gentleman Mike Arroyo si Senador Panfilo Lacson na tigilan na ang mga patutsada at mga pang-iinsulto at ilabas na ang katibayan ng kanyang mga paratang laban sa Unang Pamilya at sa iba pang inosenteng tao.

Ayon kay Atorni Jesus Santos, abugado at tagapagsalita ng Unang Ginoo, walang katuturan ang mga pang-iinsulto at mga patutsada ni Lacson hangga’t wala itong maipakita ni katiting na ebidensiya sa kanyang mga binitawang talumpati sa bulwagan ng Senado.

"Hindi na uso ngayon ang makabagbag-damdamin at kapana-panabik na mga tagpo. Kung wala kang sapat na katibayan, tumigil ka na, sawa na ang bayan," reaksiyon pa ni Santos.

Pinayuhan pa ng batikang trial lawyer si Lacson na sa halip na magbigay ng kung anu-anong katangian laban sa kanyang mga kritiko, ay iladlad na lang nito ang kanyang mga ebidensiya sa kanyang mga binitiwang paratang laban kay FG, Ignacio Arroyo, Victoria Toh, Thomas Toh at Kelvin Tan.

Matatandaan na nagbigay ng pahayag si Lacson noong Biyernes ng gabi sa mga kasapi ng Philippine Constitution Association (Philconsa) na muli itong magbibigay ng kanyang privilege speech sa muling pagbubukas ng sesyon ng Senado sa Oktubre 6. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ATORNI JESUS SANTOS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

IGNACIO ARROYO

KELVIN TAN

LACSON

PHILIPPINE CONSTITUTION ASSOCIATION

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with