Joey tutuluyan ni Kris
September 27, 2003 | 12:00am
Tuluyan nang sasampahan ng kasong kriminal ni Kris Aquino si Parañaque Mayor Joey Marquez dahil sa umanoy pambubugbog at panunutok ng baril sa una kahit pa gustong makipag-ayos ng kampo ni Joey sa aktres.
Ayon sa abogado nitong si Atty. Raymund Fortun, isasampa sa darating na Lunes ni Kris ang mga kasong physical injuries, grave threat at illegal possession of firearms sa Makati Prosecutors Office.
Sinabi ni Fortun na hindi nagbabago ang isip ni Kris kahit pa nagkausap na sila ni Marquez bagkus ay galit at pagkamuhi pa rin ang nararamdaman umano ni Kris laban sa alkalde.
Nabatid na tinawagan ni Joey si Kris para mag-sorry, pero hindi pa nagtatagal ang pag-uusap ay pinatayan ng cellphone ni Kris si Joey.
Hinihingi din ni Kris kay Marquez na bawiin nito sa publiko ang sinabi nitong siya ay sinungaling at hindi nagsasabi ng katotohanan hinggil sa naging away nila.
Samantala, kasong paglabag naman sa Code of Conduct and Ethical Standards ang isasampa ng kampo ni Kris sa Office of the President laban kay Marquez na maaaring tumapos na sa political career ng alkalde.
Bilang isang opisyal ng gobyerno, dapat anyang maging halimbawa ng magandang asal si Marquez.
Magugunita na nagtungo si Kris sa tanggapan ng Police Anti-Crime and Emergency Responce (PACER) upang ireklamo si Marquez dahil sa pananakit umano at panunutok nito ng baril sa nasabing actress.
Kaugnay nito, nakikipagpulong na si Marquez sa kanyang mga abugado hinggil sa plano nitong rumesbak sa kampo ni Kris at sa mga taong sumasakay sa isyu partikular sa panghahawa umano niya ng sexually transmitted disease (STD) kay Kris.(Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended