^

Bansa

Libelo ni Nani vs Rep. Villarama walang sustansiya, ibinasura ng DOJ

-
Tinabla ng Department of Justice (DOJ) si dating Justice Secretary Hernando Perez matapos na baligtarin nito ang naunang desisyon ng Manila Prosecutors Office na nagbibigay pahintulot upang maisulong ang kasong libelo na isinampa nito laban kay Bulacan Rep. Willy Villarama.

Sa 13-pahinang resolution, sinabi ng DOJ na walang matibay na basehan o merito si Perez para maipursige ang kasong libelo laban kay Rep. Villarama.

Nag-ugat ang nasabing kaso matapos na ibunyag ni Villarama na si Perez ang siyang dapat na tawaging "Million Dollar Man" dahil ito’y sangkot umano sa $41M pay-off na may koneksiyon sa $470M power deal sa Industrias Metalurgicas Pescarmona SA o mas kilala bilang IMPSA deal.

Lumabas sa iba’t ibang pahayagan ang nasabing statement ni Villarama laban kay Perez kung kaya nagsampa ng kasong libelo ang huli dahil pawang paninira umano sa kanyang pagkatao ang mga sinabi ng kongresista.

Sumulat naman si Villarama kay Presidential Anti-Graft Commission Chairman Dario Rama na magsagawa ito ng imbestigasyon laban kay Perez dahil sa pagtanggap nito ng bribery mula sa nasabing kontrata.

Bunga nito, nagpalabas ng rekomendasyon ang Manila Prosecutors Office na maaaring isulong ang nasabing kaso sa mababang hukuman, ngunit ito naman ay agad ipinareview ni Villarama sa DOJ.

Sa resolution ng DOJ, ang ginawang privilege speech ni Villarama ay nasasakop pa rin ng karapatan at responsibilidad nito bilang kongresista ng ibunyag nito ang alegasyon laban kay Perez.

Ikinatuwiran pa ng DOJ na sinagot lamang ni Villarama ang panghahamon ni Perez na pangalanan nito ang mga cabinet members na nalalaman nitong tumatanggap ng suhol mula sa iba’t ibang kaso o kontrata.

Dahil dito, inatasan ng DOJ ang Manila Prosecutors Office na bawiin nito sa Manila Regional Trial Court ang kasong libelo na isinampa laban kay Villarama dahil sa kawalan ng merito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BULACAN REP

DEPARTMENT OF JUSTICE

INDUSTRIAS METALURGICAS PESCARMONA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KAY

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NITO

PEREZ

VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with