PGMA pinatunayang di wasak ang pamilya

Sinamantala ni Pangulong Arroyo ang pagkakataon na patunayan sa publiko at lalo na sa media na hindi watak-watak ang kanyang pamilya sa gitna ng eskandalo sa isyu ng Jose Pidal.

Sa kanyang pagdalo sa taunang Gridiron ng National Press Club, isinama ng Pangulo sina First Gentleman Mike Arroyo at ang kanyang tatlong anak na sina Pampanga Vice Gov. Mikey, Dato at Luli para patunayan na hindi matutupad ang pangarap ng kanyang kritiko na maghiwalay ang kanyang pamilya.

Sa panghuling talumpati ng Pangulo, umapela ito sa media na maging balanse sa pagbibigay ng mga balita para na rin sa interes ng bansa. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments