Ayon kay Senior State Prosecutor Perfecto Lawrence Chua-Cheng, gumugulo ang isinasagawang pagdinig dahil napakarami ng abogado ang nakikialam.
Inihalimbawa ni Cheng ang biglaang pagdating ni Atty. Theodore Teh na wala man lang pasabi at nagpakilala sa prosecution na siya ang tatayong counsel ng 321 mutineers.
Ngunit, kinalaunan ay bigla na lamang umanong sinabi na sa 12-miyembro na lamang ng Air Force siya tatayo bilang abogado at hindi na sa lahat ng miyembro ng Magdalo.
Iniapela din nito sa Makati RTC na huwag na lang magsagawa ng imbestigasyon ang DOJ kundi isulong na sa hukuman ang kaso at ilabas na lahat ang ebidensiyang hawak ng gobyerno laban sa mga ito.
Dahil din umano sa dami ng demanda na hinihiling ng mga abogado ng grupong Magdalo, tumatagal ang naturang preliminary investigation.
Sa ngayon ang mga abogadong humahawak sa kaso ng Magdalo ay sina Attys. Homobono Adaza, Argee Guevarra, Ruel Pulido at Theodore Teh, bukod pa kay dating Pasig RTC Judge Harriet Demetriou. (Ulat ni Grace dela Cruz)