^

Bansa

Lifestyle check sa Philpost di namin hiningi - Unyon

-
Walang panawagan ang mga empleyado ng Philippine Postal Corporation na magsagawa ng "lifestyle check" sa mga matataas na opisyales ng korporasyon, bagkus ay dapat pang suportahan ang liderato ng mga ito dahil sa magandang pamamahala.

Nagkaisa ng pahayag kahapon sina Noel Dacasin, presidente ng Postal Employees Union of the Philippines; Edmundo Estavillo, presidente ng Kapisanan ng mga Kawani ng Koreo sa Pilipinas at Beth Guballa ng Postal Corporation Employes Association kaugnay ng kanilang suporta sa pamunuan ni Postmaster General Diomedio Villanueva.

Pinabulaaan ng tatlong pangulo ng nabanggit na mga unyon ang mga report na sila’y humihingi ng lifestyle sa Philpost officials. Itinanggi nila na never silang na-interview o nakapanayam ng sinumang reporter.

"Nagtataka kami kung saan nanggaling ang balita na umano’y nananawagan kami ng lifestyle check. Unang-una, simula nang manungkulan si Postgen Villanueva ay naipagkaloob sa mga empleyado ang mga benepisyong naaayon sa batas at napansin din ang magandang serbisyo sa mga post offices," ani Dacasin.

May hinala naman ang mga opisyales ng unyon na isang grupo ng mga sinibak at kinasuhang postal employees ang nagpapakalat ng kuryenteng balita.

Matatandaang tinanggal ni Villanueva sa puwesto ang mga salot sa post office kagaya ng magnanakaw ng sulat, nangulimbat ng pondo at iba pang sangkot sa graft and corruption.

Nakikita rin umano ng postal employees ang simpleng pamumuhay ni Villanueva at katunayan, ang kotseng ginagamit niya ay nabili limang taon na ang nakararaan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BETH GUBALLA

EDMUNDO ESTAVILLO

ELLEN FERNANDO

NOEL DACASIN

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

POSTAL CORPORATION EMPLOYES ASSOCIATION

POSTAL EMPLOYEES UNION OF THE PHILIPPINES

POSTGEN VILLANUEVA

POSTMASTER GENERAL DIOMEDIO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with