Korte sa mga probinsiya dadagdagan
September 10, 2003 | 12:00am
Isinulong ng Senate justices and human rights committee ang pagkakaroon ng dagdag na lower courts upang matugunan ang pagtambak ng mga nakabinbing kaso sa mga probinsiya.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, chairman ng komite, may 11 taon na ang nakararaan ng magkaroon ng additional na korte nang itatag ang Regional Trial Court (RTC) ng Candon, Ilocos Sur.
Uunahin ng kanyang komite ang pagbuo ng Municipal Trial Courts (MTCs) sa Iligan, Iloilo, San Pablo City, Davao del Norte, Butuan, Samal island at Daet, Camarines Norte.
Gayundin ang mga RTC sa Bukidnon, Eastern Samar, Quezon at isang second MTC sa Taguig.
Aniya, ang karagdagang korte sa kanayunan ay makakatulong sa taong bayan sa usaping pinansiyal upang makadalo lang sa mga pagdinig sa labas ng kanilang munisipalidad.
Sa pamamagitan din ng pagdami pa ng mga mababang korte ay mapapalakas ang hudikatura ng bansa sa mga kanayunan. (Ulat ni Rudy Andal

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended