^

Bansa

Kilikili ni Honasan ipasusuri ni Lina

-
Ipasusuri ni Interior and Local Government Sec. Jose Lina Jr. ang kilikili ni Senador "Gringo" Honasan upang alamin kung lumahok ito sa ‘blood compact’ kaugnay sa naganap na pag-aaklas ng mga junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Oakwood Hotel noong Hulyo 27 sa Makati City.

Ayon kay Lina, sa pamamagitan ng pagsusuri ay malalantad sa publiko ang katotohanan kung may kinalaman ang senador sa marahas na aksyon ng Magdalo Group.

Si Honasan kasama ang iba pa ay nahaharap sa kasong kudeta na isinampa sa Department of Justice (DOJ) matapos na iturong utak ng rebelyon sa pagtatangkang ibagsak ang administrasyong Arroyo.

Bagaman itinanggi ni Honasan na siya ang nasa likod ng bigong kudeta na pinamunuan ni Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes, hinamon ni Lina ang Senador na sumailalim sa pagsusuri.

Samantala, posibleng gamitin ng DOJ ang naging pahayag ni Trillanes ukol sa umano’y sabwatan ng militar at ng mga rebelde sa isinasagawa namang hiwalay na imbestigasyon sa mga isiniwalat ni Gracia Burnham, ang Amerikanang nakaligtas sa mga kamay ng mga rebeldeng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Justice Usec. Merceditas Gutierrez, maaari nilang ikonsidera ang mga akusasyong ibinato ni Trillanes laban sa AFP sa binubuo nilang rekomendasyon tungkol sa nilalaman ng librong isinulat ni Burnham na "In The Presence of My Enemies".

Anila, may magkakatugmang testimonya sina Trillanes at Burnham hinggil sa sabwatan ng matataas na opisyal ng AFP at mga rebelde. (Ulat nina Joy Cantos/Grace dela Cruz)

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BURNHAM

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACIA BURNHAM

HONASAN

IN THE PRESENCE OF MY ENEMIES

JOSE LINA JR.

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with