^

Bansa

Bagong sistema sa license center ng LTO

-
Mababawasan na ang mga papasa na walang alam sa pagkuha ng drivers’s license makaraang ipatupad ang computerized drivers test sa lahat ng sangay ng Land Transportation Office sa buong bansa.

Lahat ng licensing center at Division Office ng LTO ay nalagyan na ng Automated Driver’s Licence Examination System (ADLES) upang matiyak na ang may mga alam lamang sa pagmamaneho ang makakapasa.

Ang ADLES ay isang sistema na bahagi ng LTO-Information Technology Project na pinatutupad ng Stradom Corporation.

Kapag natapos ang pagkuha ng pagsusulit ay ilalagay ang answer sheet sa isang scanner na babasahin ng Optical Mark Reader Software at agad na malalaman ang resulta nito.

Ayon sa LTO, para sa kukuha ng non-professional driver’s license ay 40 katanungan ang ibibigay at kailangang 30 ang maitama ng aplikante sa multiple choice exam.

Sa professional license, kailangang makakuha ng 45 na tamang sagot mula sa 60 katanungan. Labing-walo naman sa 25 katanungan ang kailangang makuha para sa mga kumukuha ng conductor’s permit.

Ang babagsak sa pagsusulit ay maaaring kumuha muli ng exam matapos ang isang buwan mula ng ito ay bumagsak. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

DIVISION OFFICE

EDWIN BALASA

INFORMATION TECHNOLOGY PROJECT

KAPAG

LABING

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LICENCE EXAMINATION SYSTEM

OPTICAL MARK READER SOFTWARE

STRADOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with