Lacson pinagbabayad ng $3M danyos ng US court
August 22, 2003 | 12:00am
Pinagbabayad ng isang korte sa Estados Unidos ng halagang $3 milyon si Sen. Panfilo Lacson bilang danyos sa civil case na isinampa laban sa kanya ng Fil-American trader na si Ms. Blanquita Pelaez, ng California, USA kaugnay sa demandang isinampa nito laban sa dating hepe ng PNP kaugnay sa nabigong bentahan sa posas.
Nabatid na pinagtibay ni Superior Court of California Judge James Richman sa kanyang August 19 order ang desisyon ng korte nitong Enero na nag-aatas kay Lacson na magbayad ng nabanggit na halaga.
At para patunayan ni Pelaez na may kakayahan si Lacson na bayaran siya ng kabuuang utang na $3 milyon ay nagsumite ito ng mga dokumento na nagsasaad na may mga pera umano si Lacson sa US.
Kabilang na rito ang aniya'y $456,000 deposito ng mag-asawang Sen. Lacson at Alicia de Perio sa sangay ng Bank of America sa California, bukod pa sa kabuuang $444,299 kung saan 5 beses umanong nagdeposito si Lacson noong kainitan ng impeachment trial kay dating Pangulong Estrada.
Sinabi pa ni Pelaez na naganap ang paglalagay ng senador ng pera sa nasabing deposito sa pagitan ng Nobyembre 13 hanggang Dis. 26, 2000.
Bukod sa nasabing pera, may sarili rin umanong bank account ang senador sa isa pang sangay ng Bank of America sa Chula Vista, California sa kabuuang balanseng $285,133 noong buwan ng Oktubre. Dito umano kinuha ng mag-asawa ang perang ibinayad para sa isang bahay sa #2305 Sea Island Place sa Chula Vista noong 1996 at naibenta noong July 13, 1999.
Ayon pa sa mga abogado ni Pelaez, pag-aari rin umano ng pamilya Lacson ang Orient Light Freight International, Inc. LLC sa Panorama City, California na itinatag noong March 2001. Nitong April 2001, ang naturang kumpanya ay may account balance na $200,000.
Hiniling ni Pelaez sa US court na buksan lahat ang mga bank account ng mag-asawang Lacson sa Amerika bilang katunayan na may kakayahan ang senador na magbayad ng kanyang pagkakautang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended