Tinutugis na Magdalo leader sumuko
August 20, 2003 | 12:00am
Sumuko na ang isang Army captain habang isa pa nitong kasamahang junior officer ang nagpadala na rin ng surrender feeler na pawang kabilang sa tinutugis na lider sa bigong pag-aaklas ng Magdalo Group.
Kinumpirma kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya ang pagsuko ni Army Capt. Peter Iringan na boluntaryong nagtungo sa Fort Bonifacio para sumuko. Si Iringan ay miyembro ng Special Forces Regiment sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Nasa kustodya siya ng Intelligence Security Group ng Phil. Army sa Fort Bonifacio.
Samantala nagpadala na rin ng surrender feeler si Capt. John Andres na kabilang sa mga nagrebeldeng sundalo kasama ang may 100 pang junior officers at 200 enlisted personnel na naglunsad ng bigong pag-aaklas laban sa pamahalaan.
Sinabi ni Andres sa kanyang abiso na susuko na siya matapos umanong manganak ang kanyang asawa.
Nabatid na si Andres ay nakipagtalo pa sa mga kasamahan nito sa Magdalo sa kainitan na rin ng isinasagawang negosasyon ni Ambassador Roy Cimatu para himukin ang mga nag-aklas na sundalo na sumuko sa pamahalaan.
Si Andres ay tumakas umano habang ibinibiyahe patungo sa headquarters ng Phil. Army.
Kaugnay nito, itinanggi naman ni Major Glenn Paje, commander ng Scout Ranger Batallion ang akusasyon ni Capt. Milo Maestrecampo na inutusan siya ng una na hagisan ng granada ang mga mosque ng mga Muslim bilang ganti sa nangyaring serye ng pambobomba sa Davao City noong nakalipas na Abril at Mayo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended