^

Bansa

Infra projects ng AFP ipinahinto ni GMA

-
Iniutos ni Pangulong Arroyo ang paghinto ng mga infrastructure projects sa AFP, ito ay sa gitna ng patuloy na paglutang ng mga anomalya sa militar.

Inilabas ng Pangulo ang direktiba kay Defense Secretary Angelo Reyes upang itigil ang proyektong nakabinbin sa AFP maliban sa pagtatayo ng mga gusaling paaralan at kalsada sa mga barangay.

Batay sa kautusan ng Pangulo, isasailalim sa pagbusisi ng binuong Task Force on AFP Procurement and Disbursement Procedures na pinamumunuan ni Defense Undersecretary Constancia de Guzman.

Sa ngayon ay isinasailalim na sa masusing pagsisiyasat ang mga transaksiyon na kinasasangkutan ng AFP matapos akusahan ng mga miyembro ng Magdalo ang matataas na opisyal na sangkot sa iba’t ibang katiwalian. (Ulat ni Ely Saludar)

BATAY

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

DEFENSE UNDERSECRETARY CONSTANCIA

ELY SALUDAR

GUZMAN

INILABAS

INIUTOS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PROCUREMENT AND DISBURSEMENT PROCEDURES

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with