PGMA makikipag-dinner sa Palace reporters
August 19, 2003 | 12:00am
Inimbita ni Pangulong Arroyo sa isang hapunan mamayang gabi ang lahat na reporter na nakatalaga sa Palasyo.
Sa paanyayang ipinaabot sa isa ring reporter, ipinasabing kasama sa imbitasyong ito ang kani-kanilang mga asawa.
Walang paliwanag kung bakit nagkaroon ng biglaang pagbibigay ng dinner sa Palasyo para sa mga mamamahayag ng Malacañang, pero malakas ang hinala na maaaring may kinalaman ito sa nangyaring insidente noong Biyernes sa Calapan, Mindoro Oriental nang sitahin ng Pangulo si Tina Panganiban-Perez ng GMA-7 sa exclusive interview nito kay Sen. Gringo Honasan.
Sa kabila ng naganap na insidente, tiniyak ng Palasyo na walang intensiyon ang Pangulo na busalan ang media.
Kung tutuusin anya ay ibang-iba ang trato sa media sa administrasyong Arroyo kung ihahambing sa administrasyon ni dating Pangulong Estrada.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, noong panahon ni Estrada, may isang article sa Manila Times na hindi nagustuhan ang dating pangulo na may kinalaman sa IMPSA deal.
Dahil umano doon ay ginipit nang husto ni dating Pangulong Estrada yung Manila Times hanggang sa mapilitan ang pahayagan na ibenta sa iba.
"Iba ito sa treatment na nakikita kay Pangulong Arroyo dahil she went out of her way to make clarification and she went to Channel 7 station," ani Bunye. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am