Seguridad sa CA hinigpitan
August 18, 2003 | 12:00am
Mahigpit na seguridad ang paiiralin ngayon sa loob at labas ng bisinidad ng Court of Appeals (CA) makaraang ipagpatuloy ng Supreme Court (SC) ang pagdinig sa anim na junior officers ng Armed Forces of the Phils. (AFP).
Hiniling ng CA sa pamunuan ng Western Police District (WPD) ang pagpapakalat ng mga tauhan nito upang siyang mahigpit na magbantay at kumontrol sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa Padre Faura St. panulukan ng Orosa St., Ermita, Manila dahil sa isasara ang unang kalye dito.
Sina Navy Lt. SG Antonio Trillanes, Capt. Milo Maestrecampo, Gerardo Gambala, James Layug, Eugene Loui Gonzales at Capt. Gary Alejano ay dadalhin ngayon sa CA upang dinggin ang naunang petisyon ni Atty. Homobono Adaza, abogado ng mga nabanggit na junior officers.
Sa kanilang petition for habeas corpus, kinuwestiyon ng mga ito kung bakit nilabag ng pamunuan ng AFP at PNP ang kanilang karapatan bilang akusado sa naganap na coup d etat noong Hulyo 27 sa Oakwood Premiere sa Makati City.
Ginigipit umano ng Intelligence Service ng AFP ang mga batang opisyal kung saan isa na dito ang paghaharang sa kanilang mga sulat.
Una ring tinangka ng ISAFP na pahintuin ang nasabing hearing sa CA sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang petition sa SC noong Biyernes dahil sa mapanganib umano ang mga junior officers na ilabas sa kulungan.
Ngunit ikinatuwiran ng SC na mas makabubuti na ituloy ang pagdinig ngayon upang makapagsagawa ng occular inspection ang mga mahistrado ng CA para mapatunayan kung mayroong nilabag na karapatan ang ISAFP sa mga nakakulong na junior officers.
Ang pagdinig ay pamumunuan ng mga mahistrado ng CA 12th Division na pangungunahan ni Associate Justice Romeo Browner. (Grace A. dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended