No.2 leader ng Jemaah timbog
August 16, 2003 | 12:00am
Dumanas ng matinding dagok ang international terrorist group na Jemaah Islamiyah matapos madakip ang ikalawang mataas na lider nito sa Thailand.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Blas Ople, ang pagkakadakip kay Jambali Sali ay isang "major blow" sa JI network sa Southeast Asia na pinamumunuan ni Osama bin Laden.
Si Sali ay nadakip kasama ang pito pang kasamahan sa Thai city ng Ayutthaya sa isinagawang magkasanib na operasyon ng United States Intelligence agents at Thai police.
Nabatid na si Sali ang nagsilbing middleman na nagbigay ng suportang pinansiyal upang maisagawa ang Rizal Day bombing sa Metro Manila.
Siya rin ang hinihinalang may kagagawan sa tangkang pag-atake sa pulong ng mga world leaders noong Oktubre sa Bangkok, "utak" sa pambobomba sa Bali, Indonesia noong Oktubre 12, 2002 na ikinasawi ng 202 katao at utak din sa pagpapasabog sa JW Marriot hotel sa Jakarta nitong Agosto 5. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended