^

Bansa

Pinoy doctor sa Canada patay sa SARS

-
Isang Pilipinong doktor na nakabase sa Toronto, Canada ang iniulat na namatay dahilan sa sakit na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Matapos ang apat na buwan na pagkakaratay simula noong Abril 8, 2003 sa Intensive Care Unit (ICU) ng Sunny Brook Hospital ay binawian ng buhay si Dr. Ernesto Yangga.

Si Yangga ay nagtatrabaho bilang doktor sa Laspley Family Doctors Clinic sa Canada kung saan isa ito sa masugid na tumutulong sa pag-aasikaso sa mga pasyente na tinamaan ng SARS sa Canada.

Samantala, ayon kay Dr. Troyo Hepte, medical specialist ng National Epidemiology Center ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila sa World Health Organization (WHO) kung positibong namatay sa sakit na SARS si Dr. Yangga.

Nabatid na si Yangga ang pang-44 na biktima na namatay sa sakit na SARS sa Canada.

Nilinaw din ni Dr. Hepte na ipinapaubaya na lamang nila sa pamilya ng nasawi ang pagdedesisyon kung iuuwi nila sa Pilipinas ang bangkay o susunugin bago ibalik sa bansa. Maaring iuwi ang mga labi ng ligtas kung isisilid ito sa isang hermetically sealed coffin dahil ito ang advisable na proseso upang maiwasan ang posibilidad na kumalat ang taglay nitong virus, (Ulat ni Gemma Amargo)

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERNESTO YANGGA

DR. HEPTE

DR. TROYO HEPTE

DR. YANGGA

GEMMA AMARGO

INTENSIVE CARE UNIT

ISANG PILIPINONG

LASPLEY FAMILY DOCTORS CLINIC

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with