^

Bansa

Pagkamatay ni Edris ilahad

-
Hiniling ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay sa liderato ng AFP na ilahad sa publiko ang tunay na pangyayari sa likod ng naganap na pagdakip at pagkakapatay kay Abdulmukin Edris.

Sa isang pahayag, sinabi ng chairman ng House committee on national defense na maaaring mag-isip ng masama ang publiko na talagang pinatay si Edris upang hindi ito makapagbigay ng impormasyon sa pagtakas nila sa piitan ng Camp Crame ni Fathur Rohman Al-Ghozi.

Bunga nito, inutos na ni Pangulong Arroyo na magpaliwanag sa publiko ang AFP sa insidente ng pagkamatay ni Edris para mapawi ang haka-hakang biktima ito ng "salvaging."

Bagaman pinuri ng Pangulo ang AFP Southcom sa pagkakaaresto kay Edris ay isang imbestigasyon ang inutos niyang isagawa.

Ayon naman kay AFP Vice Chief of Staff at Spokesman Lt. Gen. Rodolfo Garcia, walang naganap na rubout sa pagkakapaslang ng militar kay Edris.

Ikinatwiran ni Garcia na wala na umanong pagpipilian pa ang Army’s Task Group Charlie na pinamumunuan ni Capt. Cristobal Paolo Perez kundi barilin si Edris at ang kasama nitong nahuling si MILF sub-commander Mahmood Esmael ng tangkain ng mga itong mang-agaw ng baril.

Maayos anyang naipatupad ng militar ang "rules of engagement" sa paghuli kay Edris.

Para kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, hindi na mahalaga kung naging biktima ng salvaging si Edris. Ang importante aniya ay napilayan na ang terror group na nakabase sa Pilipinas. (Ulat nina Lilia Tolentino/Malou Rongalerios/Joy Cantos)

ABDULMUKIN EDRIS

CAMP CRAME

CRISTOBAL PAOLO PEREZ

EDRIS

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

MAHMOOD ESMAEL

MALOU RONGALERIOS

NORTE REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with