Sa isang press briefing sa Malacañang, isiniwalat ni PSG Chief Col. Delfin Bangit ang assassination plot laban sa Pangulo dahilan para isailalim sa red alert ang PSG at mahigpit na pagbibigay ng seguridad sa Pangulo.
Ipinaliwanag ni Bangit na mayroon silang natangggap na ulat na may mga sundalong lumabas tangay ang mga barret ar sniper rifles na karaniwan aniyang ginagamit sa assassination. Kasabay nito, humingi ng tulong ang PSG sa publiko na bigyan ng proteksiyon ang Pangulo at ang pampanguluhang institusyon.
Nauna rito, inihayag ni dating PNP Gen. Marcelo Navarro na may planong likidahin ang Pangulo ng mga nagrebeldeng sundalo. (Ulat ni Ely Saludar)