^

Bansa

Doy Laurel, may Lymphoma

-
May lymphoma si dating Vice President Salvador Laurel matapos matuklasan ng isang team ng specialists mula sa Stanford Hospital and Clinics sa California, USA.

Kaugnay nito, hiniling kahapon ng mga abogado ni Laurel sa Sandiganbayan na e-extend ang leave to travel ng dating vice-president hanggang Agosto 15, 2003 upang kumuha ng second opinion kaugnay sa kanyang sakit.

Si Laurel, 74, ay halos araw-araw na sumasailalim sa pagsusuri sa nakaraang isang buwan at kalahati dahil sa kanyang ‘severe anemia secondary myelophthisis," isang kondisyon kung saan ang blood forming elements ng bone marrow ay hindi nakakalikha ng normal blood cells, dahil sa isang specific types ng toxin o overgrowth ng tumor cells.

Nahaharap si Laurel sa graft charges sa Sandiganbayan kaugnay sa diumano’y nangyaring anomalya sa P1.6 bilyong Freedom Ring Project sa Clark, Pampanga.

Inakusahan siya na nagbigay ng ‘undue benefit’ sa private contractor na Asia Construction Development Authority (Asiakonstrukt) ng payagan niya ang pagbabayad ng P384.8 milyon sa nasabing kompanya nang hindi dumadaan sa public bidding. (Ulat ni Malou Escudero)

AGOSTO

ASIA CONSTRUCTION DEVELOPMENT AUTHORITY

ASIAKONSTRUKT

FREEDOM RING PROJECT

INAKUSAHAN

KAUGNAY

MALOU ESCUDERO

SANDIGANBAYAN

SI LAUREL

STANFORD HOSPITAL AND CLINICS

VICE PRESIDENT SALVADOR LAUREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with