^

Bansa

Nag-aklas na junior officers patawarin na lang - Solon

-
Hindi pa man nagsisimula ang imbestigasyon hinggil sa Makati siege na inilunsad ng mga batang opisyal ng AFP kamakalawa, isang resolusyon na ang inihain kahapon ni Iloilo Rep. Augusto "Boboy" Syjuco na humihiling na bigyan ng executive clemency ang mga ito.

Sa House Resolution No. 1221 ni Syjuco, naniniwala ang kongresista na bagaman at maituturing na nagkasala ang mga rebeldeng sundalo, naimulat naman ng mga ito ang mamamayang Pilipino kaugnay sa totoong nangyayari sa AFP.

Hiniling din nito sa AFP na payagan ni Pangulong Arroyo ang mga nasabing sundalo na bumalik sa military organization at ipagpatuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa bayan.
Walang sasantuhin
Tiniyak ng Malacañang na walang sasantuhin ang imbestigasyong gagawin ng mga awtoridad ng pamahalaan sa puno’t dulo ng nabigong kudeta ng mga rebeldeng junior officers na miyembro ng grupong Magdalo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, bagaman masusing pag-aaralan ang lahat ng akusasyong iniharap ng Magdalo group, kabilang ang umano’y pagbebenta ng mga armas at bala ng militar sa mga rebeldeng MILF, NPA at Abu Sayyaf ay determinado ang Pangulo na busisiin ang tunay na dahilan ng naganap na pag-aalsa kasama na ang pagpapalutang ng mga sibilyan at iba pang pulitiko na nagsamantala sa sitwasyon.
Court Martial sa 5 jr. officers
Ayon kay Justice Undersecretary Merceditas Gutierrez, kasong rebellion at inciting to rebellion ang kasong isasampa laban sa mga sibilyan na mapapatunayan na nagkaroon ng partisipasyon sa tangkang pagpapabagsak sa administrasyon kamakalawa sa Makati City.

Bumuo na rin kahapon ang AFP ng Special Investigating Task Force upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pag-aaklas ng mga junior officers at lima sa kanila ang isasailalim sa court martial.

Ang lima ay sina Navy Lt. Senior Grades Antonio Trillanes at James Layug; Captains Gerardo Gambala, Gary Alejano at Milo Maestrecampo, pawang ng Phil. Army.

Bagaman 296 ang mga nag-aklas kabilang ang 70 opisyal na may ranggong captain at lieutenant ay ang lima lamang na nabanggit ang iko-court marshall dahil umamin ang mga ito na sila ang nag-udyok sa kanilang mga kasamahan na mag-rebelde laban sa gobyerno. (Ulat nina Malou Escudero/Lilia Tolentino/Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

CAPTAINS GERARDO GAMBALA

COURT MARTIAL

GARY ALEJANO

ILOILO REP

JAMES LAYUG

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with