Ayon sa mga opisyal, kasinungalingan ang bagong ipinalabas na alegasyon ni Misamis Oriental Rep. Augusto Baculio hinggil umano sa pagbabayad ng P170 milyon isang kontratang walang pahintulot ng LRTA board.
Sa isang pahayag, sinabi ni Atorni Zosimo Mendoza, LRTA corporate secretary at chief of staff, na hindi maaaring hindi dadaan sa lupon ang anumang kontratang ibinigay ng ahensiya sa Metro Manila Rail Light Transit Consultants (MMLRTC), isang grupo ng mga lokal at pribadong kumpanya na nagbibigay ng payo sa ahensiya kaugnay sa pagpapatakbo ng LRT-2.
Hinikayat din nito si Gualberto na maghain ng asunto sa tanggapan ng Ombudsman upang mabigyan ng pagkakataon ang LRTA na sagutin ito sa tamang okasyon.
Gayunpaman, tiniyak ni Mendoza sa publiko na kailanman ay hindi madidiskaril ng anumang baluktot na pananaw ang paglilingkod sa taumbayan ng LRTA.
Nagsimula ang paglalabasan ng mga maling paratang laban sa LRTA matapos magpasya ang pamunuan nito na itigil na ang kontratang pinasok ng ahensiya sa dayuhang Transurb Technirail hinggil sa pamamahala ng pagmimintina sa LRT-1.