Al-Ghozi wala pa sa amin - ACTAF

Pinabulaanan kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang report na hawak na ng Anti-Crime Task Force (ACTAF) ang puganteng teroristang si Fathur Al-Ghozi.

Sa pahayag ni Lt. Col. Daniel Lucero, director ng Public Information Office ng AFP, patuloy na nakikipag-tulungan ang kanilang tanggapan sa PNP upang muling makuha ang naturang pugante.

Sinabi din nito na batay sa ulat nina Col. Oscarlito Mapalo, hepe ng AFP-ACTAF at Brig. Gen. Alexander Yano, commander ng 601st brigade na nakabase sa Sarangani, Gen. Santos City, Davao del Sur at Palimbang, Sultan Kudarat na wala sa kanilang kamay si Al-Ghozi.

"We wish that this information that al-Ghozi was already caught is true, however we still have to exert effort to make this information true, but it is true that there are ACTAF personnel in the area helping the PNP," ani Lucero. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments