^

Bansa

General, colonel minamatyagan sa destabilization plot

-
Dalawang aktibong senior officers ng militar at pulisya na kapwa pinaghihinalaang utak ng "destabilization plot" laban sa administrasyon ni Pangulong Arroyo ang mahigpit na isinasailalim ngayon sa surveillance operations ng AFP.

Ang dalawag opisyal na may ranggong heneral at colonel ay mga miyembro ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM), isang grupo ng mga sundalo at pulis na nasangkot sa pitong bigong kudeta noong panahon ng rehimen ni dating Pangulong Cory Aquino.

Tumanggi naman ang isang military source na sabihin kung ang planong destabilisasyon ay may basbas ng liderato ng RAM na sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni retired Navy Commodore Domingo Calajate.

Sinabi pa ng source na ang dalawang opisyal ang nasa likod ng pagkalat ng white paper noong nakaraang linggo na nagdawit sa ilang opisyal ng PNP sa pagtakas ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi.

Matapos umanong gumawa ng gulo sa PNP, ipinalutang naman ng dalawa ang umano’y balak na kudeta ng mga miyembro ng PMA Class ’94 at ’95. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

DALAWANG

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

JOY CANTOS

MATAPOS

NAVY COMMODORE DOMINGO CALAJATE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORY AQUINO

REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA

SINABI

TUMANGGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with