Abogado ni Erap nag-resign
July 23, 2003 | 12:00am
Binitiwan na ni Atty. Prospero Crescini ang pagdedepensa sa mga kaso ni dating Pangulong Estrada kasabay ng paghahain niya ng pormal na mosyon sa Sandiganbayan upang magbitiw bilang isa sa mga abogado ng dating lider. Idinahilan ni Crescini sa kanyang resignation ang suliranin sa kalusugan, sobrang trabaho at nakalilitong sitwasyon sa pagdepensa ng mga kaso ni Estrada.
"My reasons are three Hs: health, hell and helplessness," pahayag ni Crescini. Inihayag rin nito sa kanyang mosyon sa korte ang paghihirap nya para organisahin ang depensa habang hindi naman halos nagpapakita ng kooperasyon si Estrada. Kabilang sa mga kaso ni Estrada na hinahawakan ni Crescini ang P4.1 bilyong plunder case, illegal use of alias at perjury. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended