^

Bansa

Erap susuportahan si GMA kung si Roco ang kalaban

-
Makakaasa ng suporta si Pangulong Arroyo mula kay dating Pangulong Estrada kung ang makakalaban lamang nito sa 2004 presidential elections ay si dating DepEd Secretary Raul Roco.

Sinabi ni Estrada sa isang panayam sa telebisyon na kung ikukumpara kay Roco, higit na mas mabuting tao si Arroyo.

Hindi umano malilimutan ni Estrada ang ginawang paninira sa kanya ni Roco nang talunin niya ito sa presidential elections noong 1998.

Ayon pa kay Estrada, dapat mag-ingat ang ibang kandidato kay Roco dahil magaling umano itong gumawa ng alegasyon.

Pero sinabi din ni Estrada na mas gugustuhin pa rin niya na magkaroon ng sariling kandidato ang oposisyon sa 2004.

Kasama sa mga pinagpipilian ni Estrada na susuportahan sa 2004 sa hanay ng oposisyon sina action king Fernando Poe Jr., Sen. Panfilo Lacson at businessman Danding Cojuangco.

Posibleng sa Agosto ihayag ni Estrada kung sino ang magiging manok ng oposisyon para tumakbong presidente.

Nangunguna pa rin sa pinapaboran ni Estrada na posibleng tumakbo ang matalik niyang kaibigan na si FPJ na kasama lagi sa survey ng mga presidentiables.(Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AGOSTO

DANDING COJUANGCO

ESTRADA

FERNANDO POE JR.

MALOU ESCUDERO

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

ROCO

SECRETARY RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with