^

Bansa

Magsasaka unahin sa human rights compensation

-
Sinabi ni Agrarian Reform Secretary Roberto M. Pagdanganan na dapat bigyan ng prayoridad ng gobyerno ang mga magsasaka sa kompensasyon sa mga human rights victims mula sa P36 bilyong deposito ng mga Marcos na ipinagkaloob sa gobyerno ng Pilipinas ng Supreme Court.

Sinabi ni Pagdanganan na kahit malinaw sa batas na ang pera ay dapat mapunta sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), tinatanggap niya na ang mga human rights victims ay may bahagi.

Napansin niya na binago ang batas upang magkaroon ng bahagi sa pera ang mga human rights victims sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, kaya dapat bayaran ang mga magsasaka na naging biktima ng kalupitan sa panahon ng martial law.

Idinagdag pa na sa kanayunan naganap ang mabagsik na kampanya laban sa mga maghihimagsik.

Napagsuspetsahan at inakusahan aniya ang mga magsasaka na kasama ng mga maghihimagsik o tumutulong sa mga maghihimagsik kaya pinuntirya ng mga militar tulad ng sapilitang paglilikas, hamleting at search and destroy.

Kung kinakailangan, dapat din aniyang gamitin ng Dept. of Agrarian Reform ang mga pasilidad nito upang malaman kung sino sa mga Agrarian Reform beneficiaries ang naging mga biktima.

AGRARIAN REFORM

AGRARIAN REFORM SECRETARY ROBERTO M

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

IDINAGDAG

NAPAGSUSPETSAHAN

PAGDANGANAN

PANGULONG FERDINAND MARCOS

SINABI

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with