Sa isinumeteng petisyon ni Chavez sa DOJ, kasong syndicated estafa ang isinampa sa Standard Chartered kasama ang board of directors nito sa London dahil sa panloloko umano nito sa kanilang mga investors.
Iginiit ni Chavez na ilegal na nagbebenta ng mga bank securities ang nasabing bangko sa kabila ng ipinalabas na cease and desist order ng Bangko Sentral ng Pilipinas laban sa kanila noon pang l997.
Ang nasabing cease and desist order ay ipinalabas dahil sa umanoy pagbebenta ng nasabing bangko ng mga hindi nakarehistro at hindi lisensyadong dollar denominated global mutual funds sa mga investors noong l997 na tinatayang nagkakahalaga ng bilyong piso. (Ulat ni Grace Amargo)