Ito ay matapos na irekomenda ni US National Security Adviser Condoleeza Rice sa Washington na huwag nang ituloy pa ang state visit ni US Pres. Bush sa bansa kaugnay sa usaping pangseguridad.
Sinabi ni Rice na hindi tiyak ang kaligtasan sa Pilipinas ng kanilang Punong Ehekutibo.
Matapos na madismaya sa naganap na pagpuga ng tatlong terorista, may hinala ang Estados Unidos na nakipagsabwatan ang mga pugante sa ilang tiwaling opisyal ng Philippine National Police upang maisakatuparan ang planong pagtakas.
Kaugnay nito, agad namang pinakilos ng Malacañang si Foreign Affairs Secretary Blas Ople upang sagutin ang mga naging pahayag ni Rice laban sa Pilipinas.
Umalma ang Malacañang sa naging pahayag ni Rice na kanselahin na lamang ang takdang pagbisita ni US Pres. Bush dahil sa hindi ligtas ang bansa.
Sinabi ni Presidential spokesman Ignacio Bunye na maituturing na undiplomatic ang naging pahayag ni Rice at mariin itong tinututulan ng Malacañang. (Ulat ni Ely Saludar)