^

Bansa

Kolorum na jeepney tutugisin

-
Simula sa susunod na buwan, huhulihin na ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng mga kolorum na pampasaherong jeepney na namamayagpag sa Metro Manila.

Ang kampanyang ito laban sa mga kolorum na jeepney ay iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos ang tagumpay na rationalization program ng Dept. of Transportation and Communication (DOTC) sa mga pampasaherong bus na nagresulta upang bumaba ang bilang na nagbibiyahe mula sa 10,000 noong taong 2001 at ito ay umabot na lang ngayon sa 3,150 na bus.

Iniulat na ang nagbibiyahe ngayon sa Kalakhang Maynila ay umaabot sa 65,000 na jeepneys subalit malaking bilang dito ay ilegal o kolorum.

Sinabi ni DOTC Undersecretary Arturo Valdez na ang pag-aalis ng mga kolorum na jeepney ay sisimulan sa Taft Avenue at sa España sa Maynila.

Bukod sa inaasahang gagaan ang daloy ng trapiko sa naturang hakbang ay mababawasan ang mga nagbubuga ng maitim na usok sa mga lansangan. (Ulat ni Ely Saludar)

BUKOD

ELY SALUDAR

ESPA

KALAKHANG MAYNILA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TAFT AVENUE

TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

UNDERSECRETARY ARTURO VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with