^

Bansa

Gringo vs Ping sa 2004

-
Walang klasmeyt, klasmeyt pagdating sa pulitika !.

Ito ang maaaring mapatunayan sa 2004 matapos magdeklara ng intensiyong kumandidato sa pagka-pangulo si Sen. Gregorio "Gringo" Honasan, isang PMAyer kung saan malamang na makabangga niya ang kanyang mistah (classmate) sa Philippine Military Academy na si Sen. Panfilo Lacson kasunod ng paglunsad ng Honasan for President Movement (H4) kamakalawa.

Ayon kay H4 secretary general George Duldulao, malaki ang kanilang tiwala kay Honasan batay sa rekord nito bilang topnotcher at Class Baron ng PMA at ang makulay na military career nito, pati na ang mahalagang ambag ni Honasan sa EDSA People Power 1 bilang lider ng Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Nakatanggap si Honasan ng tatlong medalya dahil sa counter-insurgency operations, pakipaglaban sa mga economic saboteurs at drug traffickers. Bukod pa sa tatlong Gold Cross Medals dahil sa pakikipagbakbakan sa mga rebeldeng Muslim sa Lebak, Cotabato, Jolo at Zamboanga ay marami rin siyang natanggap na parangal ng militar dahil sa pagtaya ng buhay para sa bayan.

Sinabi naman ng ilang Senate insiders na hindi rin matatawaran ang mga achievement ni Honasan sa Senado, kabilang na rito ang pag-akda ng Clean Air Act at ang pagpapalakas ng socialized housing program ng pamahalaan. Noong nakaraang taon ay pinarangalan si Honasan bilang "Most Outstanding Senator" ng isang grupo ng mamamahayag sa Metro Manila.

Subalit nilinaw ni Honasan na wala siyang nakikitang banggaan sa hinaharap nila ni Lacson kundi nais lamang niya na magkaroon ng maraming pagpipilian ang oposisyon na standard bearer sa darating na 2004 presidential polls.

Ipinahiwatig ng senador mula sa Bicol na mas mahalaga para sa kanya ang pag-adopt ng opposition party ng kanyang National Recovery Program (NRP) at kung hindi ay maaari siyang tumakbo bilang independent presidential candidate.

Sa pinakahuling survey ng FYI Research and Consulting Group, nilampaso ni Honasan ang iba pang vice presidentiables sa regions IX, X, XI at XII.

Maging sa masa o ang tinatawag na "Class E" ay nanguna si Honasan at pumangalawa lamang si Sen. Loren Legarda. (Ulat ni Rudy Andal)

CLASS BARON

CLASS E

CLEAN AIR ACT

GEORGE DULDULAO

GOLD CROSS MEDALS

HONASAN

LOREN LEGARDA

METRO MANILA

MOST OUTSTANDING SENATOR

NATIONAL RECOVERY PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with