^

Bansa

Isa pang Pinay sex slave nakatakas sa Malaysia

-
Isa na namang Pinay na naging sex slave ang nakatakas sa Malaysia nitong Hulyo 2 at humiling na tulungan ng gobyerno ang marami pang Pilipinang ginagawang prostitutes sa nasabing bansa.

Sa panayam, kay Lenny (hindi tunay na pangalan) sa programa ni Rene Sta. Cruz sa DZBB, sinabi nito na umalis siya ng bansa noong Disyembre 2002 at nagtungo sa Malaysia upang magtrabaho bilang saleslady o waitress.

Pero pagdating ng Malaysia, ginawa siyang prostitute ng kanyang employer kasama ang iba pang Pinay na ibinebenta sa halagang US$300.

Tatlong beses aniya sa isang araw kung siya ay ibenta sa mga lalaking naghahanap ng panandaliang aliw.

Bagaman at malaki aniya ang kinikita ng kanilang employer, hindi naman sila pinapasahod kaya wala rin siyang naiuwing pera sa Pilipinas kahit mahigit na kalahating taon siyang naging sex slave sa Malaysia.

Ayon pa sa biktima, isang customer ang naawa sa kanya at tinulungan siyang makatakas kaya nakabalik siya sa Pilipinas.

Magugunitang hiniling na ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos sa kinauukulang ahensiya ng gobyerno na imbestigahan ang ginagawang paglalabas ng mga Pinay na karamihan ay idinadaan sa "backdoor" ng bansa.

Matatandaan na isang source ang lumapit sa PSN upang ibunyag na ang mga anak ng Pinay na prostitutes na nabuntis ay ipinagbibili sa mga Malaysian couple na walang anak sa halagang 5,000 ringgit o P70,000. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BAGAMAN

CRUZ

DISYEMBRE

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

MALOU ESCUDERO

PILIPINAS

PINAY

RENE STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with