Pagpapadala ng OFWs sa Iraq pinigil
July 7, 2003 | 12:00am
Hindi muna magpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Iraq matapos ang digmaan doon.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kaugnay na rin ng hindi pa normal na sitwasyon sa Iraq bunsod sa ginagawang pang-aambus sa mga tropa ng coalition forces.
Sa kasalukuyan, mahigit 30 sundalong Amerikano at Briton ang napapatay ng mga Iraqi troops na loyal pa rin kay Iraqi president Saddam Hussein.
Ayon kay DFA spokesman Victoriano Lecaros at OWWA administrator Virgilio Angelo, hindi pa napapanahon ang pagpapadala ng mga OFWs sa Iraq hanggat hindi natitiyak ng pamahalaan na ligtas sa panganib ang mga manggagawa.
Pinag-aaralan naman ng DFA at Department of Labor ang pagpapadala ng peace keeping force sa Iraq dahil sa abnormal na sitwasyon doon. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest