^

Bansa

Qurantine bill uunahin ng Kongreso

-
Tulad ng pinangangambahan ng ilang Kongresista, hindi lamang ang kinatatakutang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) ang tatama sa Pilipinas kaya mamadaliin ng Kongreso ang pagpasa ng quarantine bill sa sandaling bumalik ang sesyon sa Hulyo 28.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, awtor ng panukala, nagkatotoo ang kanyang sinabi na may mas matindi pang bagong sakit ang dapat na paghandaan ng gobyerno katulad ng Japanese encephalitis B na nagmula sa Guandong, China na napabalitang nasa loob na ng Pilipinas.

Dapat aniyang higpitan ng NAIA at iba pang paliparan ang pagpasok ng mga dayuhan at mga Overseas Filipino Workers sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagka-quarantine sa mga ito pagdating sa nasabing paliparan. (Ulat ni Malou Rongalerios—Escudero)

APOLINARIO LOZADA

AYON

DAPAT

GUANDONG

HULYO

MALOU RONGALERIOS

NEGROS OCCIDENTAL REP

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PILIPINAS

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with