Gringo patok sa Mindanao
July 2, 2003 | 12:00am
Inihayag kahapon ng Philippine Guardians Brotherhood, Inc. na naniniwala sila sa lumabas na survey kamakailan na malakas ang suporta ni Sen. Gregorio "Gringo" Honasan mula sa mga Mindanaoan sa pagka-bise presidente sa 2004 dahil dito niya sinimulan ang kanyang makulay na military career at ngayon ay kanyang isinusulong ang pagkakaroon ng multi-bilyong pisong mini-Marshall Plan para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng rehiyon pagkatapos ng mahabang panahon ng digmaan.
Ayon kay retired Col. Red Kapunan, executive vice president ng Guardians, napasabak si Honasan sa matitinding labanan sa mga rebeldeng Muslim sa Lebak, Cotabato noong dekada 70 kaya siya ay naparangalan ng Medal of Valor.
Idinagdag ni Kapunan na malapit din sa puso ng senador mula sa Bicol ang Mindanao at ito ay pinatunayan sa binalangkas nitong National Recovery Program (NRP) kung saan ipinanukala ni Honasan ang pagkakaroon ng multi-bilyong pisong mini-Marshall Plan upang matiyak ang tuluy-tuloy na kaunlaran at pag-angat ng kalidad ng pamumuhay ng mga residente sa panahong magtagumpay ang prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MILF.
Sa pinakahuling survey ng FYI Research and Consulting Group mula Mayo 27-Hunyo 10, nilampaso ni Honasan ang iba pang vice presidentiables sa Region IX, X, XI at XII at nakakuha siya ng 40.7% net approval rating.
Maging sa masa o ang tinatawag na "Class E" ay nanguna si Honasan, pangalawa lamang si Sen. Loren Legarda.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended