Kamakalawa ay pinagkalooban ng necrological services si Cayetano ng kanyang mga kasamahan sa Senado matapos dalhin ang labi nito sa session hall.
Ipinaabot ng mga anak ni Cayetano ang kanilang pasasalamat sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya.
Umuwi ng bansa nitong Hunyo 5 si Cayetano matapos ang matagumpay na liver transplant sa Amerika, subalit nitong Hunyo 24 ay namatay naman dahil sa kanyang abdominal cancer. (Ulat ni Rudy Andal)